‘BUNTIS DAY’ SA MALABON

buntisday1

Si  Mayor lenlen Oreta, kilalang supporter ng marital care program  habang ipinapaliwanag ang kahalagahan ng pre-natal  care  para masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga buntis at mga sanggol na dinadala sa sinapupunan sa selebrasyon ng ‘Buntis Day’ noong Linggo (Marso 10)  sa Pagamutan ng Bayan ng Malabon kung saan siya ang  panauhing pandangal. Bilang bahagi ng selebrasyon, ang mga doctor mula sa City Health Department sa pangunguna ni Dr. Rommel Lizan at Dr. Wilfredo Marquez, kasama ang Philippine Obstetrical and Gynecological Society (Foundation) Inc. (Camanava Chapter) na binubuo nina  Dra. Juanita Cariňo, POGG Camanava Chapter President;  President-elect  Dra. Ma. Teresa Malig atpast President Dr. Majumi Bismark  ay nagsagawa ng  pre-natal care lectures sa mahigit 300 pregnant women, na nakatanggap din ng libreng  natal check-up,  libreng ultrasound at libreng vitamins sa kabutihang loob ng pamahalaang lungsod ng Malabon,  POGG foundation Inc. (Camanava Chapter) at iba pang  sponsors.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*



City Government of Malabon
Website maintained by MIS Department. All rights reserved.