BALITANG MALABON

LIBRENG KASALAN SA MALABON NGAYONG BUWAN NG MGA PUSO

(In partnership with Zonta Club Makati - Paseo De Roxas, Fisher Mall Malabon and City of Malabon)

February 28, 2023 | 11:00AM

3rd floor, Event Center, Fisher mall, Malabon

 

Be one of the 50 lucky couples!

 

 

MGA DAPAT MALAMAN UKOL SA LIBRENG KASALAN SA MALABON NGAYONG BUWAN NG MGA PUSO:

 

Anu-ano ang mga nakapaloob sa Libreng Kasalan?

- Libreng safe at secured na venue

- Instagrammable na physical arrangement

- Violinist na tutugtog

- Masarap na handang pagkain para sa couple at dalawang saksi

- Photo and video souvenir

- Regalo mula kay Mayor Jeannie Sandoval

 

Paano mapasama sa 50 couples na ikakasal sa Pebrero 28, 2023?

Magpalista sa Civil Registry Department sa 3rd floor, Malabon City Hall simula sa

Pebrero 6 hanggang 21, 2023 mula 8:00am-5:00pm.

 

Sinu-sino ang maaring makibahagi dito?

Ito ay para sa mga taga-Malabon na matagal ng nagsasama. Kahit isa lamang sa partido ang taga-Malabon ay sapat na.

 

Subalit kapag isa o parehong partido ay may unang kasal kahit matagal ng hiwalay ay hindi pwedeng makibahagi sa kasalang bayan sapagkat ito ay magre-resulta lang sa isang kasal na bigamya. Maliban na lamang kung siya ay biyuda o balo at ang kamatayan ng kanyang asawa ay pinatutunayan ng PSA death certificate.

 

Anu-ano ang requirements na dapat isumite para mapabilang sa Kasalang Bayan?

Kailangang magsumite ng Marriage License na hindi pa expired. Ito ay maaaring

makuha sa Local Civil Registry na matatagpuan sa 3 rd floor, Malabon City Hall.

 

Requirements sa pagkuha ng Marriage License:

1. Dapat ay nasa edad 18 pataas ang mga ikakasal

2. PSA Certificate of No Marriage (CENOMAR)

3. PSA birth certificate

4. Photocopy ng Govt-issued ID

5. Parental consent ng magulang

(Kung ang isa sa partido ay nasa pagitan ng edad 18-21)

6. Parental advice ng magulang (Kung ang isa sa partido ay nasa pagitan ng edad 22-25)

7. Family Planning at marriage counselling certificate

 

(Ang Family Planning at marriage counselling certificate ay makukuha lamang kapag nakadalo ang couple sa seminar na isinasagawa ng City Health Department tuwing Martes at Huwebes, sa Catmon Super Health Center, mula 1:00pm hanggang 5:00pm.)

 

 

Magkano ang babayaran sa pagkuha ng requirements para sa Marriage License?

1. PSA Cenomar - P310.00 bawat isa

2. PSA birth certificate - P255.00 bawat isa

3. Application for Marriage License - P250.00 para sa ikakasal

 

Ilang araw bago ma-release ang Marriage License?

Ang Marriage License ay ipapaskil ng sampung araw sa bulletin board ng City Hall. Ang bilang ay magsisimula kinabukasan ng pagpa-file. Makukuha ang marriage license pagkatapos ng sampung araw na pagpapaskil o sa ikalabing dalawang araw mula sa araw ng filing.

 

Maaari bang humigit sa dalawa ang kasama ng bawat couple?

Oo. Subalit ang makakapasok lang sa venue ay ang couple at ang dalawa nilang

saksi bago at habang isasagawa ang kasalan. Ang hihigit dito ay makakapasok lang pagkatapos ng selebrasyon at para lamang sa photo opportunity kasama si Mayor Jeannie Sandoval.

 

Maaari bang wala o isa lang ang saksi sa kasal?

Hindi maaari. Dapat ay dalawa ang saksi sa isang kasal. Ang mga saksi ay dapat nasa edad 18 pataas.