Frequently Asked Questions (FAQS)
1. Ano ang Malabon Ahon Blue Card?
Ang Malabon Ahon Blue Card ay isang proyekto na inilunsad sa pangunguna ni Mayor
Jeannie Sandoval at ng lokal na pamahalaan upang mapabilis at mapadali ang
pagbigay ng abot kamay na serbisyo sa bawat pamilyang taga-Malabon.
2. Anu-ano ang mga benepisyo nito?
Maaari itong magamit sa pagkuha ng social and financial assistance mula sa
Pamahalaang Lungsod gaya ng ayuda, medical, financial, at burial assistance.
3. Sinu-sino ang maaaring magkaroon nito?
Bawat pamilya sa lungsod ay maaaring magkaroon ng Blue Card. Ang head of the
household (nanay, tatay o nakatatandang kapatid na nagtatrabaho) na lehitimong
nakatira at rehistrado sa Malabon lamang ang maaaring kumuha.
Kung ang "head of the household" ay nangangailangan ng tulong sa pagsulat sa mga forms o paglakad, pwede siyang magsama ng isa o dalawang miyembro ng kanyang pamilya sa registration site para mag-assist sa kanya.
4. Paano magparehistro?
A. Para sa online registration:
Step 1 : Bisitahin ang Facebook page ng Malabon City CSWDD at i-click ang “SIGN UP” button o ang link ng google form: https://bit.ly/BlueCardPreReg.
Matapos mag-Sign Up, makakatanggap kayo ng text message mula sa tanggapan ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD) sa loob ng 1 hanggang 2 linggo kung kailan ninyo makukuha ang stub sa inyong mga barangay blue card focal person.
Step 2 : Kunin ang stub sa inyong Barangay focal person ayon sa nakatakdang araw.
Naglalaman ang inyong stub ng detalye kung kailan at saan kayo maaaring magpunta
para sa inyong pagpapakumpirma.
B. Para naman sa onsite registration:
Step 1 : Magtungo sa ating mga itinakdang registration site. Narito ang mga dapat
dalhin:
- Government issued ID
- Isang photo copy ng ID
- Ballpen
- Pagkain at tubig (snacks)
Note: Lahat ng nag-onsite registration simula Disyembre 22, 2022 hanggang Enero 12,
2023 ay makakatanggap ng registration stub mula sa inyong barangay blue card focal
person. Samantala, lahat ng nag-onsite registration simula Enero 13 hanggang Pebrero
14, 2023 ay makakatanggap ng stub mula sa CSWDD sa mismong lugar at araw ng
inyong registration.
5. Paano magpakumpirma?
Pumunta sa itinakdang oras at petsa ng inyong confirmation. Magsuot ng facemask at
dalhin ang mga sumusunod:
- Registration stub mula sa barangay blue card focal person o CSWDD
- Government issued ID at photocopy
- Ballpen
- Pagkain at tubig (snacks)
6. May bayad ba ang pagkuha ng Malabon Ahon Blue Card?
Walang bayad and pagkuha ng Malabon Ahon Blue Card.
7. Saan galing ang unang listahan ng pangalan na galing sa CSWDD at barangay?
Ang unang listahan ay batay sa:
a. rehistradong residente na nanggaling sa lokal na opisyal mula sa barangay,
b. mga nagparehistro nung isinigawang house to house survey ng CSWDD,
c. online at onsite registration, Philippine Statistics Authority (2020 census),
d. at voters list.
8. Paano kung wala ang pangalan sa listahan ng CSWDD?
Kinakailangang magparehistro ang head of the household sa alinman sa ating mga
itinakdang registration sites.
9. Saan makakakuha ng registration stub?
Lahat ng nag-online at onsite registration simula Disyembre 22, 2022 hanggang Enero 12, 2023 ay makatatanggap ng registration stub mula sa inyong barangay blue card focal person. Samantala, lahat ng nag-onsite registration simula Enero 13 hanggang Pebrero 14 ay makakatanggap ng stub mula sa CSWDD sa mismong lugar at araw ng inyong registration.
Lahat naman ng nag-online registration sa nasabing petsa ay makakatanggap ng
registration stub mula sa inyong barangay blue card focal person.
10. Paano kapag may mali sa spelling ng pangalan?
Kailangang magdala ng government issued ID at photocopy nito upang katibayan ng
tunay na pangalan.
11. Pwede bang magparehistro ang wala dito sa Malabon?
Hindi pwede. Ang household head lamang na nakatira sa Malabon ang maaaring
magparehistro. Kailangan rin na ang mismong household head ang magpakita sa
schedule ng kumpirmasyon dahil siya ang kukuhanan ng larawan at iba pang detalye.
12.Required bang kumuha ng Malabon Ahon Blue Card ang bawat pamilya sa
Malabon?
Hindi sapilitan ang pagkuha ng Blue card ngunit hinihikayat ang bawat household head
na lehitimong taga-Malabon na magparehistro sapagkat dito idadaan ang bawat tulong
o ayuda na ibabahagi ng pamahalaan sa mga residente ng Malabon.
13. Paano kapag dalawa o higit pang pamilya ang nasa loob ng isang bahay?
Isa lamang kada pamilya ang maaaring magparehistro para sa blue card.
14. Sino ang pwede ituring na “household head” ng isang pamilya?
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pwede ituring na household head ay
nasa hustong gulang na lalaki o babae, na responsable para sa organisasyon at
pangangalaga ng kanyang pamilya, o yung tao na itinuturing na ganoon ng mga kapa
miyembro ng pamilya.
15. Para sa iba pang impormasyon o katanungan, makipag-ugnayan sa
City Social Welfare and Development Department (CSWDD)
8-281-4999 local 3015 / 3016
2nd floor, Malabon City Hall
Facebook page: Malabon City CSWDD
Malabon Ahon Blue Card Hotline Numbers:
GLOBE – 09678919035
SMART – 0960393183
16. Kailan ang distribution ng Blue Card?
Mangyaring mag-hintay ng schedule announcement sa ating Facebook page
(MalabonCityGov). Magsisimula ang unang batch ng distribution ng Blue Card sa
February 6, 2023.
17. Paano kapag hindi nakapunta sa araw ng aking schedule?
Maaaring pumunta sa ibang araw pero siguraduhin lamang na ang iyong pag-punta ay
hindi lalampas ng isang lingo mula sa iyong unang iskedyul.
18. Paano po kapag ang head of household ay senior citizen na hindi na kayang
pumunta, pwede po bang anak ang pumunta para sakanya?
Ang anak na nasa hustong gulang na kinikilalang pinaka responsable ang pwede natin
i-rehistro sa Malabon Ahon Blue Card. Kinkailangan din nito ang magpakumpirma bago
makuha ang Blue Card.
19. Gaano katagal bago malaman ang schedule ng aming confirmation?
Makakatanggap kayo ng text message para sa inyong schedule isa hanggang
dalawang linggo pagkatapos magpa-rehistro. Maaari rin pong makita ang schedule para
sainyong mga barangay sa aming Facebook Page.
20. Botante lang ba ang maaaring kumuha ng Blue Card?
Hindi. Kahit hindi botante, basta head of household na nakatira sa Malabon ay kwalipikado sa pagkuha ng Blue Card.