
Ano ang Malabon Ahon Blue Card?
Ang Malabon Ahon Blue Card o MABC, ay isang pangunahing programang panlipunan ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon, na nakabatay sa prinsipyong “Walang Maiiwan”.
Ito ay nagsisilbing isang mekanismo ng maayos at episyenteng pamamahagi ng tuling sa mga kwalipikadong kabahayan, upang matiyak ang pantay at napapanahong akses sa mahahalagang serbisyong panlipunan.

Ano-ano ang mga serbisyo nito?
Ano ang proyektong ito?
Ang Regular Assistance ay ang pangunahing quarterly assistance sa ilalim ng Malabon Ahon Blue Card (MABC) Program, na nagbibigay ng tulong sa mga kwalipikadong household head ng Malabon. Ang assistance ay ibinibigay apat (4) na beses bawat taon, o isang beses bawat quarter, at may isang (1) karagdagang bonus assistance sa pagtatapos ng taon.
Sino ang maaaring mag-apply?
Walang hiwalay na aplikasyon para sa Regular Assistance. Awtomatikong kabilang dito ang mga rehistrado at aktibong MABC beneficiary/household head na patuloy na nakakatanggap at kumukuha ng kanilang quarterly assistance, hangga’t nananatili silang kwalipikado at walang paglabag sa mga itinakdang alituntunin, patakaran, at kondisyon ng programa.
Ano ang maaaring matanggap sa ilalim ng proyektong ito?
Apat (4) na regular quarterly assistance bawat taon, kasama ang isang (1) bonus assistance sa year-end. Maaaring ibigay ang assistance sa cash o goods, depende sa itinakdang form ng assistance. Kapag cash, maaaring i-withdraw sa designated USSC branches, ATMs, at/o gamitin sa mga POS (Point-of-Sale) terminals. Kapag goods, maaaring i-redeem sa mga designated redemption sites.
Ano-ano ang mga kinakailangan na dokumentong ipakita?
MABC/Blue Card lamang at kailangang alam ng beneficiary ang kaniyang personal identification number (PIN) para sa withdrawal o paggamit ng assistance.


Ano ang proyektong ito?
Tulong pinansyal para sa mga kwalipikadong MABC beneficiary o kanilang pamilya na nangangailangan ng suporta para sa gastusin sa pagpapaospital.
Sino ang maaaring mag-apply?
Maaaring mag-apply ang head of the household o sinumang miyembro ng sambahayan kung may kasalukuyang naka-admit na pasyente. Hindi na ito maaaring i-avail kapag na-discharge na.
Ano ang maaaring matanggap sa ilalim ng proyektong ito?
Bawat matagumpay na aplikasyon ay may ₱5,000 na tulong para sa bawat kasalukuyang na-admit na miyembro ng sambahayan. Maaaring isama sa iisang aplikasyon kung sabay ang pagkaka-admit; kung magkakaibang petsa o pangyayari, hiwalay na aplikasyon ang isusumite.
Ano-ano ang mga kinakailangan na dokumentong ipakita?


Ano ang proyektong ito?
Tulong pinansyal para sa mga kwalipikadong pamilya ng namatayan upang makatulong sa gastusin sa pagbuburol o pagpapalibing.
Sino ang maaaring mag-apply?
Maaaring mag-apply ng burial assistance ang head of the household o sinumang miyembro ng sambahayan, sakaling may pumanaw na miyembro ng kanilang pamilya.
Ano ang maaaring matanggap sa ilalim ng proyektong ito?
Ang bawat matagumpay na aplikasyon ay may ₱5,000 na tulong para sa bawat pumanaw na miyembro ng sambahayan. Maaaring isama sa iisang aplikasyon kung sabay ang pagpanaw; kung magkakaibang petsa, hiwalay na aplikasyon ang isusumite
Ano-ano ang mga kinakailangan na dokumentong ipakita?


Ano ang proyektong ito?
Programa ng MABC na nagbibigay ng suporta sa mga kwalipikadong college working students na residente ng Malabon upang makatulong sa kanilang pag-aaral habang nagtatrabaho.
Sino ang maaaring mag-apply?
Hindi maaaring sumali kung:
Ano ang maaaring matanggap sa ilalim ng proyektong ito?
₱1,000 educational assistance bawat semestre para makatulong sa mga gastusin sa pag-aaral ng kwalipikadong working student, tulad ng school supplies, transportation, projects, at iba pang kaugnay na pangangailangang pang-edukasyon.
Ano-ano ang mga kinakailangan na dokumentong ipakita?


Ano ang proyektong ito?
Isang programang pang-edukasyon sa ilalim ng MABC na naglalayong turuan at sanayin ang mga kwalipikadong elementary students sa tamang pag-iimpok at financial responsibility sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sariling bank account.
Sino ang maaaring mag-apply?
Mga kwalipikadong elementary students na kabilang sa MABC beneficiary households.
Ano ang maaaring matanggap sa ilalim ng proyektong ito?
Sariling Bank/Savings account na bubuksan para sa kwalipikadong estudyante, na magsisilbing paraan upang matutunan at maisabuhay ang regular na pag-iimpok.
Ang account ay maaari ring makatanggap ng paunang savings deposit o educational savings assistance, alinsunod sa program guidelines.
Ano-ano ang mga kinakailangan na dokumentong ipakita?


Ano ang proyektong ito?
Isang capacity-building at empowerment initiative ng MABC na naglalayong palakasin ang kakayahan, kaalaman, at oportunidad ng mga babaeng solo parent sa pamamagitan ng Consumer Cooperative na itinatag para sa programa.
Sino ang maaaring mag-apply?
Mga kwalipikadong kababaihang solo parent na MABC beneficiaries
Ano ang maaaring matanggap sa ilalim ng proyektong ito?
Bilang miyembro ng Consumer Cooperative, maaaring magkaroon ng access sa mga consumable products na iniaalok ng cooperative, pati na rin ng pagkakataong kumita sa pamamagitan ng pagbebenta o pag-resell ng mga produkto.
Maaari rin silang makinabang sa member discounts o preferential prices, patronage benefits/dividends o iba pang member returns kung naaangkop, participation sa cooperative activities, capacity-building at skills-development opportunities, at boses o pakikilahok sa mga usaping may kaugnayan sa pamamahala ng cooperative, alinsunod sa cooperative policies at applicable rules.
Ano-ano ang mga kinakailangan na dokumentong ipakita?


Ano ang proyektong ito?
Partnership initiative na nag-uugnay sa MABC beneficiaries at PhilHealth YAKAP upang mapadali ang access sa preventive at primary health-care services.
Sino ang maaaring mag-apply?
Mga kwalipikadong MABC beneficiaries na maaaring mag-enroll o makinabang sa PhilHealth YAKAP ayon sa PhilHealth eligibility requirements.
Ano ang maaaring matanggap sa ilalim ng proyektong ito?
Access sa PhilHealth YAKAP benefits, kabilang ang primary/preventive health-care services, subject sa PhilHealth rules and coverage.
Ano-ano ang mga kinakailangan na dokumentong ipakita?


Ano ang proyektong ito?
Isang mutually beneficial partnership initiative ng MABC na naglalayong suportahan at itaguyod ang mga lokal na negosyo habang binibigyan ang MABC beneficiaries ng pagkakataong makakuha ng special promos, discounts, at iba pang exclusive offers.
Sino ang maaaring mag-apply?
Mga aktibo at kwalipikadong MABC beneficiaries na nais samantalahin ang mga promo at discounts, at mga local establishments na nais maging participating partner ng programa.
Ano ang maaaring matanggap sa ilalim ng proyektong ito?
Lahat ng MABC cardholders ay maaaring direktang mag-avail ng mga promo at/o diskwento sa mga participating establishments o partner merchants, alinsunod sa kanilang itinakdang terms and conditions. Hindi na kinakailangan ng hiwalay na aplikasyon para sa MABC cardholders. Samantala, ang mga lokal na establishments o negosyo na nais maging MABC partner at mag-alok ng promos at/o diskwento ay maaaring makipag-ugnayan sa MABC Office para sa partnership.
Ano-ano ang mga kinakailangan na dokumentong ipakita?


News & Announcements
Mga Gawad at Pagkilala





Ang Malabon Ahon Blue Card (MABC) Program ay tumanggap ng iba’t ibang gawad at pagkilala mula sa mga lokal at internasyonal na institusyon, bilang pagkilala sa makabagong paraan nito ng paghahatid ng tulong panlipunan, inklusibong serbisyo, at mahusay na pamamahala. Ang mga pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng programa na gawing mas madali, mabilis, episyente, at makabuluhan ang serbisyong panlipunan para sa mga Malabueños.
Kung nakalimutan o nawala ang PIN, maaaring gawin ang alinman sa mga sumusunod:
A. Tumawag agad sa USSC hotline:
(02) 8928-8772 o 0917-1808772. Ito ay bukas 24/7.
B. Kung kayo ay nasa USSC store na mismo ay makipag-ugnayan o sabihin sa teller upang mapalitan ang inyong pin.
Gawin ang sumusunod na step para sa pagpapalit ng Malabon Ahon Blue Card:
Gawin ang sumusunod na step para sa pagpapalit ng Malabon Ahon Blue Card:
Kung sakali na “nakain”o na card captured ang inyong blue card sa alinmang ATM machines ipagbigay alam o ireport sa concerned na banko.
Ipa update ang number sa USSC. Maaaring magpunta sa pinakamalapit na branch sa iyong lugar o tumawag sa kanilang hotline (02) 8928-8772 o 0917-1808772. Ito ay bukas 24/7.
1. Panatilihing Malinis ang Card
Punasan ng dahan-dahan gamit ang malambot at tuyong tela upang matanggal ang dumi o alikabok sa chip.
Iwasan ang paggamit ng likido o kemikal na maaaring makasira sa chip.
2. Itago nang Maayos
Itabi ang ATM card sa isang protektadong lalagyan o pitaka upang maiwasan ang gasgas o pagkagasgasan.
Iwasang ilapit ang card sa mga magnet o electronic devices (tulad ng cellphone) dahil maaaring maapektuhan ang magnetic stripe.
3. Iwasan ang Pisikal na Pagsira
Huwag baluktutin, tupiin, o butasan ang card.
Iwasang itago ito sa masikip na bulsa o lugar kung saan ito maaaring madurog o mapipi.
4. Protektahan sa Init at Basa
Ilayo ang card sa direktang sikat ng araw, sobrang init, o basa dahil maaaring maging dahilan ito ng pagkasira ng chip.
Iwasang mabasa ang card o ilagay sa mga lugar na sobrang mahalumigmig.
5. Gamitin ng Maingat
Kapag gumagamit ng ATM o POS machine, ipasok ang card ng dahan-dahan upang maiwasan ang pagkagasgas o pagkasira ng chip.
Huwag piliting ipasok ang card kung hindi ito maayos na pumapasok sa slot.
6. Hawakan ng Maayos
Iwasang mahulog ang card o isailalim sa matinding pagbagsak.
Huwag hayaang dumikit ang card sa matutulis na bagay.
Sa pagsunod sa mga payong ito, mapapanatiling ligtas at maayos ang chip ng iyong ATM card, at makakaiwas ka sa aberya sa mga transaksyon.
Kung kayo ay may concern o problema sa inyong blue card ay maaari kayong tumawag sa:
MALABON AHON BLUE CARD HOTLINES:
Globe - 09671372561
Smart - 09625533610
Ang blue card ay dapat lamang kunin para sa pagbabayad o pagkuha ng mga tulong pinansyal (financial assistance) mula sa Malabon City Government sa mga retail store/outlet na kawing o ugnay ng USSC sa kabuuan ng proyekto.
Maaaring gamitin ang Malabon Ahon Blue Card sa pagbili ng basic commodities sa ating merchant designated retail stores. Hindi maaaring gamitin ito para bumili ng alak, sigarilyo, at iba pang bisyo.
Bukas po ang USSC simula Lunes hanggang Linggo. Kung nasa loob ng mall ang USSC, ito ay bukas simula 9am hanggang 10pm. Kung ito naman po ay nasa labas ng mall, ito po ay bukas simula 8am hanggang 5pm.
Tumungo lamang sa COMELEC na OSCA building tapat ng City Hall Malabon at manghingi ng Voters Certificate. Ito ay libre o walang bayad.
Ito ay karagdagang tulong pinansyal para sa mga miyembro ng blue card at kanyang pamilya na namatayan o naconfine sa ospital.
Kung ang household head at miyembro ng pamilya ay lehitimong blue card member, bumoboto at residente ng Malabon.
Kinakailangan ang lehitimong next of kin na maaring asawa, anak na nasa 18 taong gulang pataas, kapatid o magulang.
Hospitalisation Assistance:
Ang miyembro ay kasalukuyang naka admit sa ospital sa buwan na nag apply para sa assistance upang magqualify sa programa. Ang pag aapply sa programa ay quaterly o ika-3 buwan.
Burial Assistance:
Para naman sa burial assistance, kinakailangan na ang pag apply ay sa loob ng taon kung kailangan namatay ang miyembro o household head (e.g. July 2024, 2025 o iba pa.). Isang beses lamang maaaring mag apply para dito.
Magtungo lamang sa 4th floor ng City Hall, opisina ng Malabon Ahon Blue Card
Ano ang mga dokumentong kailangan ipresenta sa pagkuha ng tulong pinansyal na ito?
Burial Assistance:
- Photocopy of Claimaints Voter's id or Voter's Certificate
- Photocopy of Malabon Ahon BlueCard (Back to back)
- Notarized Declaration of Household Composition form
- Certified True Copy of Death Certificate
- Valid Id of Deceased
Hospitalization Assistance:
- Photocopy of Claimaints Voter's id or Voter's Certificate
- Photocopy of Malabon Ahon BlueCard (Back to back)
- Notarized Declaration of Household Composition form
- Medical or Clinical Abstract or Certificate of confinement with notation of Still Admitted
- Valid Id of patient
Alinman sa burial o hospitalization assistance ay makakatanggap ng halagang Php 5,000.00
Burial Assistance
Bawat lehitimong miyembro ng household ng isang blue card holder ay maaaring maka avail ng tulong na ito.
Hospitalization Assistance
Quarterly o tuwing ika-3 buwan maaaring makakuha ng financial assistance mula sa MABC kung ang benepisyaryo ay naka-confine o naka-admit pa din.
Nakapagpresenta ng mga documentary requirements ng tinalaga sa programa.
Makakatanggap ng return slip at SMS at tawag sa Malabon Ahon Blue Card team kung makukuha na ang pera sa kanilang blue card.
July 22, 2024
Burial Assistance / Hospitalization Assistance:
Notarial fee for Declaration of household Php 50-100, na direktang binabayaran sa notary service na pinili ng claimant
Medical Abstract (Certified True Copy) Php 100-150.00, na direktang binabayaran sa hospital na pinili o pinagkuhanan ng serbisyo ng pasyente.
Paalala: Ang mga nabanggit na bayarin ay hindi kinokolekta o sinisingil ng LGU at maaaring magbago depende sa napiling notary service o hospital.
ATM withdrawal:
Ang withdrawal charge na ibabawas kung kayo ay mawi-withdraw sa ibang ATM bancnet ay Php 0.00 - Php 18.00
Samantalang ang balance inquiry charge ay Php 0.00 - Php 2.50.
(Source: Bangko Sentral ng Pilipinas)
Estimate Expenses of the Claimant:
Voter’s Certificate - Free
Notarized declaration of HH - Php50-100
Certified True Copy of Medical Abstract - Php150
ATM Withdrawal - Php12-18
ATM balance check - Php1-2
Internal fees:
Bank fund transfer/processing fee - Php 50
Ang blue card declaration form ay makukuha sa opisina ng MABC, 4th floor ng City Hall.
Meron. 3:00 PM.
Paalala: Kung lumagpas ng alas-3 sa pagpasa ng mga requirements ay kinabukasan na ito maipo-proseso.
Maaaring magsama ng guardian ang menor de edad na naka upang magabayan ito sa pag proseso ng application.
Maaaring ang fill-up o magsumite muli ng household composition form na nakukuha sa 4th floor MABC office.
Burial Assistance: Isang beses lamang maaaring magproseso para sa financial assistance.
Hospitalization Assistance: Maaari pa ring mag-apply sa iba para sa financial assistance pero ito ay depende sa evaluation o pagpasa ng CSWDD para sa inyong referral slip.
Ang MABC for Working Students ay bagong proyekto sa ilalim ng Malabon Ahon Blue Card (MABC) Program na layuning magbigay ng semestral na FINANCIAL ASSISTANCE sa mga kwalipikadong working students bilang suporta at pagkilala sa kanilang mga pagsisikap na suportahan ang kanilang sarili habang nag-aaral.
Mga kabataang kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo habang may trabaho (part-time o full-time).
Ang mga MABC Working Students ang target ng proyekto dahil sa:
Mangyaring i-scan ang QR code o i-click ang link sa ibaba upang isumite ang mga kulang na requirements.
Ang mga hindi kumpletong isinumiteng dokumento ay hindi ipoproseso

1000 pesos per semester (less Php 10 processing fee of USSC)
Hindi kwalipikado kung:
Mga kinakailangan sa pag eenrol sa proyekto:
1. Accomplished MABC for Working Students Registration Form (Online)
2. Pinakabagong Certificate of Enrollment o Admission mula sa unibersidad (balido sa loob ng kasalukuyang semestre ng akademikong taon)
3. Pinakabagong Certificate of Employment (balido sa loob ng panahon ng aplikasyon)
4. Isang valid government ID na may patunay ng paninirahan sa Malabon
5. Voter’s registration o certification
a. Kinakailangang kumpletuhin ng mga kwalipikadong benepisyaryo ang isang form sa pagpaparehistro at dapat ihanda ang mga sumusunod na kinakailangan.
● Latest Certificate of Enrollment or Admission mula sa paaralan o unibersidad (balido sa kasalukuyang semestre ng taon ng pag-aaral)
● Latest Certificate of Employment (balido sa loob ng panahon ng aplikasyon)
● Voter’s ID o Voter’s Certification
b. Tanging ang mga nagtatrabahong estudyante na walang anumang full scholarship grant ang dapat magparehistro, na nagbibigay ng personal na impormasyon pati na rin ang mga detalye tungkol sa kanilang trabaho at katayuan sa pagpapatala.
c. Maaaring ma-access ang registration form online sa pamamagitan ng link na ipo-post sa opisyal na Facebook page ng Malabon Ahon Blue Card.
d. Tandaan na ang pagpaparehistro ay hindi ginagarantiyahan ang pagpapatala; ang bawat aplikasyon ay napapailalim sa isang masusing pagsusuri ng tagapagpatupad ng proyekto.
e. Maaaring tanggihan ang paunang pagpaparehistro batay sa paunang pagsusuri kung mayroong anumang disqualifying factor, kabilang ngunit hindi limitado sa:
● Ang nagparehistro ay hindi residente ng Malabon City.
● Ang nagparehistro ay isang menor de edad.
● Ang nagparehistro ay tumatanggap ng full scholarship grant (hal., CMU students na nakatanggap na ng 100% scholarship coverage)
● Ang nagparehistro ay kasalukuyang may hawak ng MABC.
a. Pagkatapos ng paunang screening, ang mga aplikanteng nakitang karapat-dapat ay makakatanggap ng SMS notification upang magpakumpirma.
b. Dapat silang pupunta sa itinalagang confirmation site na base sa iskedyul at ipakita ang valid ID, Voter's ID/Certification, Latest Certificate of Enrollment o Admission mula sa paaralan o unibersidad, at Letest Certificate of Employment na ginamit sa pagpaparehistro.
c. Ang mga kawani ng proyekto ay iinterbyuhin ang aplikante upang i-verify ang accuracy at katotohanan ng isinumiteng impormasyon.
d. Ang mga aplikante ay maaari pa ring madiskuwalipika sa panahon ng kumpirmasyon para sa mga kadahilanang tulad ng failed residency verification, maling representasyon ng impormasyon, o iba pang mga salik na nag-disqualify na tinukoy ng tagapagpatupad ng proyekto.
e. Ang USSC, ang kokolekta ng biometrics ng aplikante para sa pag-upload sa database ng KYC.
a. Pagkatapos ma-imprinta ang Blue Card, aabisuhan ang mga benepisyaryo para i-claim ang kanilang Blue Card sa pamamagitan text message at anunsyo sa social media
b. Ang benepisyaryo ay dapat bumalik sa isang tinukoy na site sa loob ng panahon ng pagkuha at dapat magpakita ng valid ID para makuha ang card.
c. Kukunan ng larawan ng benepisyaryo bilang patunay ng pagtanggap ng Blue Card, at lalagda sa kasunduan sa proyekto.
d. Ang mga card na hindi na-claim sa loob ng panahon ng pagtubos ay ide-deactivate at ang benepisyaryo ay aalisin sa proyekto.
a. Ang tulong ay inilabas sa isang semestral na batayan, na nakahanay sa akademikong kalendaryo.
b. Maaaring i-claim ng mga benepisyaryo ang kanilang tulong gamit ang kanilang Malabon Ahon Blue Card (MABC) sa mga itinalagang partner outlet, anumang BancNet ATM o sa pamamagitan ng anumang sangay ng USSC.
c. Iaanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ang iskedyul, lugar at panahon ng pag-claim, sa pamamagitan ng SMS, opisyal na social media, at iba pang mga platform ng komunikasyon.
d. Ang mga benepisyaryo na nananatiling aktibo sa loob ng apat (4) na magkakasunod na taon ay maaaring makatanggap ng Espesyal na Pagkilala mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malabon para sa kanilang pagpupursige sa pagbabalanse ng trabaho at pag-aaral. Maaaring kabilang sa pagkilala ang mga linkage sa trabaho na nauugnay sa kanilang kurso at/o karagdagang insentibo bilang regalo sa pagtatapos.
a. Ang muling pagpapatala ay nagpapahintulot sa mga kasalukuyang benepisyaryo na ipagpatuloy ang kanilang paglahok sa MABC Para sa mga Working Students Program para sa susunod na semestre.
b. Ang mga benepisyaryo ay maaaring manatiling nakatala sa proyekto sa loob ng maximum na apat (4) na taon o katumbas ng normal na tagal ng kanilang degree o kurso.
c. Ang muling pag-enroll ay gagamit ng parehong online registration form, na maa-access sa pamamagitan ng opisyal na pahina ng MABC Facebook.
d. Sa form ng pagpaparehistro, piliin ang opsyon para sa "Kasalukuyang Benepisyaryo" at ilagay ang mga sumusunod na detalye:
e. I-upload ang sumusunod na na-update na mga kinakailangan:
f. Ang isinumiteng impormasyon ay sasailalim sa screening at verification ng mga tauhan ng proyekto upang matiyak ang katumpakan at patuloy na pagiging karapat-dapat.
g. Ang pagkabigong sumunod sa mga kinakailangan sa muling pagpapatala o mga deadline ng pagsusumite ay maaaring magresulta sa pansamantalang pagsususpinde o pagtanggal sa proyekto.
Upang palakasin at bigyang-kakayahan ang mga kababaihang pinuno ng kanilang tahanan, sa pamamagitan ng dagdag kabuhayan, akses sa suportang pinansyal, at aktibong partisipasyon sa consumers cooperative upang mapalakas ang kanilang kita, kakayahan, at kabuuang kapakanan.

2.Maari din makipag ugnayan sa SOLO PARENT PRESIDENT NG INYONG BRGY
Ang Malabon Ahon Blue Card with PhilHealth YAKAP Integration ay isang inisyatiba na naglalayong maiugnay ang mga benepisyaryo ng Malabon Ahon Blue Card (MABC) sa PhilHealth YAKAP Program. Layunin nitong matiyak na ang mga MABC beneficiaries ay may access hindi lamang sa mga benepisyo ng MABC kundi pati sa mga serbisyong pangkalusugan na saklaw ng PhilHealth YAKAP.
Sa ilalim ng PhilHealth YAKAP, maaaring magkaroon ng access ang mga kwalipikadong miyembro sa primary care consultation, mga piling laboratory at diagnostic services, essential medicines, at iba pang preventive at primary health care services, alinsunod sa PhilHealth guidelines at assessment ng health care provider.
Ang YAKAP registration ay requirement ng MABC upang matiyak na ang bawat kwalipikadong MABC beneficiary ay may access sa primary health care services ng PhilHealth. Sa pamamagitan ng integration na ito, layunin ng programa na mabigyan ang mga benepisyaryo ng mas komprehensibong suporta para sa kanilang kalusugan at kapakanan.
Lahat ng kwalipikadong MABC beneficiaries na kukuha ng MABC Blue Card ay kailangang makumpleto ang PhilHealth YAKAP registration/empanelment, alinsunod sa itinakdang guidelines ng MABC at PhilHealth.
Maaaring magparehistro sa PhilHealth YAKAP sa alinman sa mga sumusunod:
Mga Requirements:
Mga Hakbang sa Pagpaparehistro Online:
Mga Hakbang sa Pagpaparehistro Onsite:
Paalala: Kung wala pang PhilHealth PIN: Magpa-register muna bilang PhilHealth member upang magkaroon ng PIN bago magpatuloy sa YAKAP registration.
May bayad ba ang pagpaparehistro sa PhilHealth YAKAP?
Walang bayad ang PhilHealth YAKAP registration.
Maaari ba akong pumili ng kahit anong PhilHealth-accredited YAKAP Clinic sa Malabon?
Oo. Maaaring pumili ng preferred accredited YAKAP Clinic mula sa mga available na YAKAP Clinics, alinsunod sa PhilHealth guidelines at availability ng clinic.
Saan ko makikita ang listahan ng mga PhilHealth-accredited YAKAP Clinics?
Maaaring tingnan ang updated list of PhilHealth-accredited YAKAP Clinics sa official PhilHealth channels/website (https://www.philhealth.gov.ph/).
Maaari ring humingi ng assistance sa MABC Office para sa available na clinics sa Malabon.
May mga accredited YAKAP Clinic ba sa Malabon?
Oo. May mga PhilHealth-accredited YAKAP Clinics sa Malabon. Maaaring pumili ang beneficiary ng preferred YAKAP Clinic mula sa mga accredited facilities, subject to PhilHealth guidelines and clinic availability. .
PHILHEALTH YAKAP CLINIC NAME | ADDRESS |
|---|---|
Catmon Super Health Center | Sanciangco St. Catmon |
Longos Super Health Center | Blk 10 Hito St. Longos |
Potrero Super Health Center | Durian Road, Potrero |
Tonsuya Super Health Center | A. Roque St. Tonsuya |
Esmao Medical And Diagnostic Clinic | 106 Panghulo Road |
Malabon Hospital And Medical Center, Inc. | 264 Gov Pascual Ave., Brgy. Catmon |
Ospital Ng Malabon | F. Sevilla Boulevard, Tañong |
Paragon Medical - Diagnostic And Surgicenter | 23 Gov. Pascual Ave., Tinajeros G/F Clinica De Salvacion Bldg |
Office Para Sa Available Na Clinics Sa Malabon. | 29 M. H. Del Pilar, Panghulo |
Maaari ba akong mag-register sa ibang YAKAP Clinic kung hindi available ang malapit sa akin?
Oo. Maaari kang pumili ng ibang PhilHealth-accredited YAKAP Clinic na mas angkop sa iyong location o preference
Maaari ba akong mag-transfer ng YAKAP Clinic?
Kung naka-register ka na sa isang YAKAP Clinic at nais mong lumipat sa ibang accredited YAKAP Clinic, maaari kang mag-request ng transfer alinsunod sa PhilHealth YAKAP Clinic Transfer Guidelines.
Isang card maraming serbisyo para
sa isang BUGHAW na Malabon
Ito na ang panAHON. Ituloy ang progreso.
Sabay-sabay, aAHON pa tayo.
Address
4th Floor, Malabon City Hall
F. Sevilla Blvd., Brgy. Tañong, Malabon City, 1470 Philippines

Mobile

Send us a feedback